^

Metro

Berdugo ng Abu natimbog

- Joy Cantos -

Bumagsak sa pinag­sanib na intelligence ope­ratives ng pulisya at militar ang isang lider ng mga berdugong Abu Sayyaf Group (ASG) na responsable sa   pamu­mu­­got  ng sampu sa 14 Marines na napatay sa engkuwentro sa Al-Barkah, Basilan noong Hulyo 10 ng nakalipas na taon, ayon sa mga opis­yal kahapon.

Sa ginanap na press briefing sa Camp Cra­me, iprinisinta ni Philip­pine National Police (PNP) Chief  Director General Ave­lino Razon Jr., at Po­lice Anti-Crime Emer­gen­cy Response (PACER) Chief  Sr. Supt. Leo­nardo Espina  sa mediamen ang nasako­teng ber­dugo.

Kinilala ni Razon ang nasakoteng suspect na si Aramil Sulayman, 29,  na nabitag  ng mga intel­ligence operatives ng pulisya at militar sa raid kamakalawa ng hapon sa Datu Odin Sinsuat, Sha­riff Kabunsuan, Cen­tral Mindanao.

“He admitted  that he’s the one who lead to the beheading of 10 of the 14 Marines killed in Basilan carnage, the arrest of Sulayman was the result of extensive   intelligence operations  by our ope­ra­tives to neutra­lize wanted per­sonalities affiliated with the Abu Sayyaf,” pa­hayag pa ni Razon.

Si Sulayman ay may pa­­tong sa ulong P500,000 na ito ay mapu­­punta sa kanilang sibil­yang tipster na siyang nagturo sa pinag­tataguan ng nasabing pugot leader sa Central Min­da­nao.

Si­na­bi na­ man ni Es­pina na ang sus­pect ay dating re­si­den­te ng Brgy. Matatag, Al-Barkah, Ba­silan ay  dina­kip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Re­gional Trial Court (RTC) Branch 1 sa Isabela City, Ba­silan sa  kasong 9 counts ng mur­der at  4 counts ng frus­­trated murder ka­ugnay ng karu­mal-dumal na pamu­mu­got ng ulo sa sampung tauhan ng Philippine Marines.

Inihayag ni Espina na maliban sa pamumugot ng ulo ng mga Marines ay sangkot rin ang grupo ni Sulayman sa iba pang uri ng paghahasik ng tero­rismo ng Abu Sayyaf tulad ng highway rob­bery, atbp.  kung saan isa ito sa mga sub-leader ni Abu Sayyaf Commander Furuji Indama.

Ikinanta na rin ni Sulayman sa mga awto­ridad kung sinu-sino sa kanilang grupo ang sangkot sa pamumugot ng ulo sa 10 Marines na kabilang sa rescuer ng dating bihag ng Muslim rebels na si Italian priest  Fr. Giancarlo Bossi.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER FURUJI INDAMA

ABU SAYYAF GROUP

SHY

SULAYMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with