^

Metro

Bagong panganak na sanggol inabandona sa kalsada

-

Nagmistulang “sanggol sa belen” ang nailigtas na ba­gong panganak na sanggol na basta na lamang iniwan ng mga ma­gulang nito sa isang kalsada sa Quezon City ka­ma­kalawa ng hapon.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 kamakalawa ng hapon nang mamataan ni Elena Sombilla ng Brgy. Pasong Tamo ang bagong panganak na sanggol na lalaki na nakalagay sa kahon ng de-lata at basta na lamang umanong iniwan ng isang babae sa bangketa ng Pasong Tamo St. sa naturang lungsod.

Agad namang ipinag­bigay alam sa pulisya ang na­tag­puang sanggol ni Sombilla at napag-alaman na wala pang isang oras nang abandonahin ito ng ina sa nasabing lugar.  Ayon pa kay Sombilla naka­lawit pa ang pusod ng sanggol, may bahid pa ng dugo ang katawan ngunit buhay na buhay at umiiyak pa.

Ibinigay ng pulisya ang sanggol sa Department of Social Welfare and Develop­ment (DSWD) at inilipat ang pangangalaga sa Quezon City General Hospital  na ngayon ay inoobserbahan ng mga doktor. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOP

ELENA SOMBILLA

PASONG TAMO

PASONG TAMO ST.

QUEZON CITY

QUEZON CITY GENERAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with