^

Metro

Misis, kalaguyo huli sa akto ni mister

-

Mistulang pinagsakluban ng langit at lupa ang umano’y mainit na pakikipagtalik ng isang ginang sa kanyang kala­guyong sekyu matapos na maaktuhan ang mga ito ng mister ng una at kapwa ipaaresto sa pulisya, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa  City.

Hindi na nagawang makapalag pa ng mga suspect na sina Maria Fe Paquera Nogales, 36, residente ng 2749 Nudeas St., Rodriguez Subdivision, Brgy. Putatan, Muntin­­­lupa City at ang kalaguyo nitong si Andy Baflor, 25, security guard ng Metropolis Mall na nasa Alabang nang kapwa arestu­hin ang mga ito ng nagrespondeng mga pulis.

Nabatid na bago ang pag-aresto, nakatanggap umano ng impormasyon si Rommel Nogales, 44, contractor, ng Lot 20 Blk 131 Phase 2, Mabuhay City, Cabuyao, Laguna na ang kanyang misis ay may kinakasamang lalaki sa naturang lugar.

Dahil dito, agad siyang nakipag-ugnayan kay SPO2 Rey Quizon ng Muntinlupa City Police, upang magharap ng reklamo at dakong alas-11 ng gabi nang isagawa ang pagdakip sa mga suspect na inabutan pa umanong magkasiping sa kama ng mga arresting team sa loob ng inuupahan nilang bahay sa nabanggit na lugar. (Rose Tamayo-Tesoro)

ANDY BAFLOR

MABUHAY CITY

MARIA FE PAQUERA NOGALES

METROPOLIS MALL

MUNTINLUPA CITY POLICE

NUDEAS ST.

REY QUIZON

RODRIGUEZ SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with