^

Metro

Pabrika nasunog: 4 natusta

-
Apat katao ang nalitson nang buhay, kabilang ang isang babae habang isa pa ang sugatan matapos na makulong sa nasusunog na pabrikang kanilang pinaglilingkuran, kahapon ng madaling-araw sa lungsod Caloocan.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Rey Anao; Beatriz Maniago; Edward Tan at Aldrouse Oriel, pawang mga stay-in worker ng LSR Garment Factory na matatagpuan sa panulukan ng Nadurata Street at 7th Avenue ng nasabing lungsod.

Nilalapatan naman ng lunas sa Manila Central University (MCU) Hospital ang isa pang empleyado na si Jimmy Gamido, 24.

Sa report na natanggap ni C/Insp. Juan Reyes, Caloocan City Fire Marshal, dakong alas-4:45 ng madaling-araw, nang bigla na lamang maglagablab ang ikalawang palapag ng pabrika na naroon ang bodega ng mga tela ng LSR Garment Factory na pag-aari ng isang Eliza Go.

Mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa hindi na nagawa pang makalabas ng pabrika ang mga nasawi, na kasalukuyang nagpapahinga nang magsimulang kumalat ang apoy, habang si Gamido ay nakagawa ng paraan upang makalabas sa nasusunog na pabrika.

Kabilang sa mga tinupok ng apoy ay ang milyun-milyong halaga ng ari-arian; dalawang Mercedez Benz; isang Honda Civic; isang motorsiklo at isang Toyota Hi-Ace van.

Ayon pa sa mga arson investigator, bago tuluyang kumalat ang apoy ay nakarinig ang mga residente ng isang malakas na pagsabog na nagmula sa loob ng naturang garment factory.

Hanggang sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy kung ano ang pinagmulan ng insidente. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALDROUSE ORIEL

BEATRIZ MANIAGO

CALOOCAN CITY FIRE MARSHAL

EDWARD TAN

ELIZA GO

GARMENT FACTORY

HONDA CIVIC

JIMMY GAMIDO

JUAN REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with