^

Metro

Tatay ni Sandara Park arestado

-
Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang ama ng teen star na si Sandara Park matapos sampahan ng kasong estafa ng isang negosyante, kamakalawa ng gabi sa Maynila.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Pasay City Regional Trial Court, dinakip si Iksu Park, 47, businessman, tubong-Korea at kasalukuyang naninirahan sa Rm. 402 Marebella I ng 2233 Roxas Blvd. Pasay City.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi nang arestuhin si Park sa lobby ng Networld Hotel na nasa kahabaan din ng Roxas Blvd. malapit sa Buendia, Pasay City.

Ang pagka-aresto kay Park ay bunsod na rin sa kasong estafa na isinampa ng negosyanteng si Anthony Sy, 44, binata, ng no.10 Onyx, Brgy. La Paz, Makati City.

Nabatid na ang kaso ay nag-ugat sa pagkakautang ng halagang P390,000 ng una sa huli noon pang Marso 2005 na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nababayaran ng ama ni Sandara Park.

Sinabi naman ni Sy na panay ang pangako sa kanya ni Park na babayaran siya hanggang sa hindi na ito umano nagpakita sa kanya kung kaya’t napilitan na si Sy na magharap ng kaso sa korte.

vuukle comment

ANTHONY SY

IKSU PARK

LA PAZ

MAKATI CITY

MANILA POLICE DISTRICT

MAREBELLA I

PASAY CITY

ROXAS BLVD

SANDARA PARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with