^

Metro

Misis at kumpare huli sa akto ni mister

-
Kulungan ang binagsakan ng isang misis at ng kanyang kumpare matapos na mahuli sa akto ng kanyang mister na magkaulayaw sa loob ng isang motel sa kabila na nalalapit na ang Semana Santa, kamakalawa ng gabi sa Cubao, Quezon City.

Sinampahan na ng kasong pangangalunya sa Quezon City Prosecutor’s Office ang misis na si Elisabeth Tausa, 35, ng #115 Nanka St. Sta. Mesa, Maynila at ang kanyang kaulayaw na si Romeo Reyes, 39, ng Yakal St., Old Sta. Mesa, Maynila.

Nabatid na nahuli ang dalawa ng mister dakong alas-11 ng gabi sa loob ng isang motel sa Arayat Street, Cubao.

Sa ulat ng pulisya, nagpaalam si Elisabeth sa anak nitong babae na magtutungo sa East Avenue Medical Center. Nagduda naman ang anak dahil sa kuntodo ang porma ng damit, nangangapal ang make-up at nangangalingasaw ang pabango ng kanyang ina kaya isinumbong sa kanyang ama.

Nagpasya naman ang mag-ama na sundan si Elisabeth na kanilang nakita na katagpo si Reyes, sumakay ng taxi at dumiretso sa motel sa Cubao. Agad namang nagtungo sa Quezon City Police District ang mag-ama kung saan sinamahan ang mister ng isang pulis upang mapasok ang motel at nahuli sa akto na magkaulayaw ang dalawa habang iniwan na sa istasyon ng pulisya ang anak na babae upang hindi maapektuhan sa posibleng masaksihan nitong pagtataksil ng ina. Agad na dinakip ng pulis ang dalawang magkalaguyo at dinala sa istasyon ng pulisya kung saan idinitine ang mga ito. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ARAYAT STREET

CUBAO

DANILO GARCIA

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ELISABETH

ELISABETH TAUSA

MAYNILA

NANKA ST. STA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with