^

Metro

Pagpapalaya kay Ducat giit

-
Nagrali sa harapan ng headquarters ng Manila Police District (MPD) ang mahigit sa 100 magulang at mga estudyante ng Musmos Day Care Center upang hilingin na palayain ang nang-hostage na si Armando "Jun" Ducat.

Bandang alas- 2 ng hapon ng dumating ang mga estudyante at magulang sa harapan ng headquarters ng Manila Police District (MPD) dala ang kanilang mga streamer na dito nakasulat ang kanilang suporta at pagnanais na mapalaya si Ducat.

Para sa mga estudyante at magulang, maituturing nilang isang bayani si Ducat dahil sa ito ang kasagutan sa kanilang pangangailangan tulad ng pagpapaaral sa kanilang mga mahihirap.

Nais din ng grupo na makita nila ng personal sa loob ng kulungan si Ducat upang masiguro na nasa mabuti itong kalagayan.

Subalit hindi pinagbigyan ng pamunuan ng MPD ang kahilingan ng mga magulang at estudyante na makapasok ang mga ito sa selda ni Ducat

Matatandaan na sinampahan ng mga kasong illegal detention in relation to RA 7610,illegal possession of explosives and firearms at paglabag sa omnibus election code si Ducat at kasama nitong nang-hostage sa may 26 na paslit sa loob ng isang bus noong nakalipas na Miyerkules. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ARMANDO

BANDANG

DUCAT

GEMMA AMARGO-GARCIA

MANILA POLICE DISTRICT

MATATANDAAN

MIYERKULES

MUSMOS DAY CARE CENTER

NAGRALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with