^

Metro

Helper tinodas ng kasamahang mananahi

-
Namatay sa pagamutan ang isang 32-anyos na helper matapos na pagsasaksakin ng kasamahang mananahi sa Sta. Cruz, Manila kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Dominador Verona, binata, stay-in helper sa F.M. Gonzales Garment na matatagpuan sa 1714 Sulu St., Sta. Cruz, Manila. Mabilis namang tumakas ang suspect na nakilalang si Angelo Cabrea, 32, stay-in na mananahi sa nasabing patahian bitbit ang patalim na ginamit sa pagpaslang sa biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa harap ng naturang garment factory kung saan nag-iinuman ang mga empleyado nito.

Matapos ang inuman, bigla na lamang nagkapikunan sina Cabrea at Verona hanggang sa magsuntukan. Nagawa namang maawat ang dalawa ngunit nakakuha ng pagkakataon si Cabrea at dalawang beses inundayan ng saksak ang biktima. Pinaghahanap ng mga awtoridad ang tumakas na suspect. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ANGELO CABREA

CABREA

CRUZ

DANILO GARCIA

DOMINADOR VERONA

GONZALES GARMENT

MABILIS

MATAPOS

NAGAWA

SULU ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with