^

Metro

Anak ng QC judge na binaril, patay na

-
Makaraan ang limang araw, namatay na ang anak ni Quezon City RTC Judge Alejandro Jurado na binaril ng dalawang lalaki noong Pebrero 20, sa Quezon City.

Namatay dakong ala-1 ng hapon kahapon sa FEU General Hospital si Andrew Rey Jurado, 23, college student ng Blk. 10 Lot 6 Gilmore St. Hobart Village, Brgy. Kaligayahan, Quezon City.

Na-comatose ito matapos na barilin sa ulo ng mga suspect na sina Marlon Fernandez at isang alyas Emay. Patuloy pa ring pinaghahanap ng pulisya ang dalawa na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon ni PO2 Joel Gagaza ng QCPD-CID na posibleng ang mga suspect at biktima ay sangkot sa frat war matapos na makalap ng awtoridad na nagkagirian ang grupo ng biktima at suspect bago maganap ang pamamaril ng huli sa una.

Dahil dito, posibleng maging murder ang kaso laban sa dalawang pinaghahanap na suspect. (Doris Franche)

vuukle comment

ANDREW REY JURADO

BRGY

DAHIL

DORIS FRANCHE

GENERAL HOSPITAL

GILMORE ST. HOBART VILLAGE

JOEL GAGAZA

JUDGE ALEJANDRO JURADO

MARLON FERNANDEZ

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with