^

Metro

‘Gapos gang’ sumalakay sa QC

-
Pinaggugulpi at saka itinali na parang mga hayop ang tatlong miyembro ng isang pamilya ng tatlong magnanakaw na nanloob sa kanila, kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Quezon.

Nakilala ang mga biktima na sina Jaime Juanito, 43, Virginia Portugal, 84 at Mary Ann Portugal, 53, pawang residente ng Mayaman St., UP Village ng nabanggit na lungsod.

Tumakas naman ang tatlong mga suspect at isa sa mga ito ay nakilalang isang Domingo Supat, helper ng pamilya matapos isagawa ang naturang krimen.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi ng maganap ang insidente habang abala sa pamamahinga ang mga biktima.

Sinasabing biglang pumasok ang tatlong suspect na armado ng patalim at baril at unang pinasok ang kuwarto ng matandang Portugal na tinutukan ng baril bago inutusan na buksan ang drawer.

Ngunit sa halip na sumunod ay nagsisigaw ang matanda na nakatawag pansin sa dalawa pang biktima dahilan upang magtulung-tulong ang mga suspect na gulpihin ang mga ito.

Bukod dito, itinali pang parang hayop ang tatlong biktima.

Tumakas ang mga suspect tangay ang nilimas na pera , alahas at iba pang mahahalagang gamit ng mga biktima. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BUKOD

CRUZ

DOMINGO SUPAT

JAIME JUANITO

MARY ANN PORTUGAL

MAYAMAN ST.

TUMAKAS

VIRGINIA PORTUGAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with