Bomba nasabat sa LRT, 1 arestado
January 31, 2006 | 12:00am
Arestado ang isang 40-anyos na lalaki habang nakatakas naman ang kasama nito makaraang mahulihan ito ng ibat ibang matataas na auri ng gamit pampasabog habang papasakay ng Light Rail Transit (LRT) kahapon ng hapon sa Pasig City.
Ang suspect na kasalukuyang nasa kustodya ng Regional Special Action Unit ng National Capital Region Police Office (RSAU-NCRPO) ay nakilalang si Zaldy Munda, ng San Jose del Monte, Bulacan.
Ayon kay NCRPO Intelligence Chief Sr. Supt. Felipe Rojas Jr., naaresto ang suspect dakong ala-1:45 ng hapon habang papasakay ito ng LRT Line 2, Santolan station ng lungsod na ito patungong Recto.
Laking gulat ng mga guwardiya ng LRT nang pgbukas ng asul na backpack ni Munda ay tumambad sa kanila ang ibat ibang uri ng pampasabog.
Hindi naman pumalag ang suspect nang arestuhin habang nakatakbo naman ang kasama nito.
Kabilang sa mga nakuha kay Munda ay limang piraso ng electric blasting caps, 1-ft. na time fuse, 2 sticks ng pinaghihinalaang bomba na gell form at isang cellphone.
Ayon kay Rojas, hindi pa maaaring sumabog ang mga dala nitong bomba at kinakailangan munang i-assemble ito bago sumabog.
Kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogation ang suspect. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended