MJ puwede na uli sa pulitika

Wala ng legal na sagabal sakaling naisin pang tumakbong muli ni dating Congressman Mark Jimenez sa susunod na eleksiyon.

Ayon kay Justice Secretary Raul Gonzalez, hindi katulad ng dati na may kinasasangkutang extradition case sa bansa si Jimenez, maaari na uli itong kumandidato.

Mula sa Estados Unidos ay dumating sa bansa noong Linggo si Jimenez matapos na makalaya sa pagkakakulong sa Federal Correctional Institution sa Allenwood, Pensylvania ng 2 taon.

Na-convict si Jimenez sa kasong election conspiracy at tax evasion sa US kaya’t nang magtago ito sa bansa ay ipinagharap ng extradition.

Noong 2003 ay na-extradite si Jimenez nang hindi nito natapos ang termino bilang kongresista ng 6th District ng Maynila. (Grace dela Cruz)

Show comments