^

Metro

Holdaper patay sa shootout

-
Patay na bumagsak buhat sa bubungan ng bahay ang isang 44-anyos na holdaper matapos na makipagbarilan sa mga pulis na rumesponde sa ginawang panghoholdap nito kasama ang pamangkin sa isang taxi driver, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Nagtamo ng anim na tama ng bala sa katawan ang suspect na si Armando Flores, residente ng #1538 Panday Pira St., Tondo. Naaresto naman ang kasabwat nito na si Alvin Alcantara, 23, at anak ni Flores na si Archie, 21.

Sa ulat ng MPD-Station 7, naganap ang barilan dakong alas-2 ng madaling-araw sa Panday Pira St., Tondo, matapos na rumesponde ang mga pulis sa naganap na panghoholdap sa taxi driver na si Reynaldo Octaviano.

Ayon kay Octaviano, dakong alas-10 ng gabi nang magpanggap na pasahero ang mga suspect. Nang mapadako sa Juan Luna St. sa may Abad Santos Avenue, Tondo ay nagdeklara ang mga ito ng holdap matapos na maglabas ng patalim at baril.

Sa halip na sumunod sa pag-uutos na ibigay ang kanyang pera ay pinasibad pa ni Octaviano ang kanyang taxi kaya siya pinagsasaksak ni Flores sa likod. Nakatakas naman ang mga holdaper ngunit agad na nakahingi ng saklolo ang biktima sa naka-off duty na si PO2 Rez Robles.

Nasundan ng mga pulis ang mga tumatakas na suspect hanggang sa bahay ng mga ito. Agad na naaresto si Alcantara at ang nakababatang Flores ngunit nagmatigas ang ama nito na si Armando hanggang sa magkaroon ng palitan ng putok na naging sanhi ng kamatayan nito.

Itinanggi naman ni Alcantara na holdaper sila nang sabihin nito na wala lamang umano silang pamasahe ng kanyang tiyuhin kaya nagalit si Octaviano. Ngunit iginiit naman ng mga kapitbahay nila na mga kilabot na holdaper sina Flores at Alcantara at kilalang maton sa kanilang lugar. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ABAD SANTOS AVENUE

ALVIN ALCANTARA

ARMANDO FLORES

DANILO GARCIA

JUAN LUNA ST.

OCTAVIANO

PANDAY PIRA ST.

REYNALDO OCTAVIANO

REZ ROBLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with