^

Metro

Shootout sa QC: Holdaper patay, 1 arestado

-
Patay ang isang holdaper matapos na makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng CPD-Baler Police Station habang arestado naman ang kasama nito na nambiktima ng mga sakay ng pampasaherong jeep kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Dead-on-the-spot ang suspect na nakilalang si Leonardo de Vera y Lim, alyas Boyet Ebias, 33 at naninirahan sa 187 West Riverside, Brgy. San Antonio ng nabanggit ding lungsod habang nakakulong naman ang kasama nitong si Dave Cruz, 24, ng 134 Ilagan St. Brgy. Paltok, Quezon City.

Batay sa ulat na tinanggap ni Baler Police Station chief Supt. Raul Petrasanta, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa panulukan ng Roosevelt Ave. at Baler St. San Francisco del Monte.

Lumilitaw na sumakay ng pampasaherong jeep ang mga suspect at makalipas ang ilang minuto ay naglabas ng .38 baril at patalim at saka nagdeklara ng holdap.

Kinuha ng mga suspect ang Nokia 3120 cellphone at kuwintas ng biktimang si Christopher Lim, 25, estudyante at mabilis na tumakas sakay ng isang tricycle.

Agad namang humingi ng tulong si Lim sa mga nagpapatrulyang pulis na kinabibilangan nina PO2 Nick Valdoz, PO2 Arnel Fortes, PO2 Oscar Abad at PO1 Dominador Palomer na sakay ng QC-13.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspect hanggang sa makorner nila sa Roosevelt Ave. at Baler St. Pinaputukan ni de Vera ang mga pulis kung kaya’t napilitan si Valdoz na gumanti ng putok kung saan tinamaan ang una sa dibdib na agad nitong ikinamatay.

Tinangka din ng suspect na si Cruz na tumakas subalit agad ding nasakote ng mga awtoridad.

Nabatid pa kay Petrasanta na si de Vera ay miyembro ng Bahala na Gang at nagkukuta sa Ilagan St. matapos na makasaksak sa kanilang barangay. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ARNEL FORTES

BALER POLICE STATION

BALER ST. PINAPUTUKAN

BALER ST. SAN FRANCISCO

BOYET EBIAS

CHRISTOPHER LIM

DAVE CRUZ

QUEZON CITY

ROOSEVELT AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with