^

Metro

5 properties ng MWSS,pinambayad-utang sa QC gov't

-
Limang ari-arian ng Metropolitan Waterworks ang Sewerage System (MWSS) ang ipinambayad utang na lamang ng naturang ahensiya sa Quezon City government para sa real estate obligations nito.

Ang limang ari-arian ay matatagpuan sa Barangay Commonwealth, Bagong Silangan, Fairview, Pansol at Socorro na ang ilan dito ay ginamit na lamang na paaralan, park, playground at outpost.

Ayon kay QC Treasurer Victor Endriga, ang aksyon ay bunga na rin ng napagkasunduan ng pamunuan ng MWSS at ng city government dahil umaabot sa P900 milyon ang utang ng naturang ahensiya sa kanila sa loob ng 20 taon.

May kabuuan ding P3.7 milyon ang babayarang pondo ng Manila Water at P2 milyon ng Maynilad sa city government.

Napag-alaman na ang MWSS ay government agency na sumasailalim sa tax swap scheme ng city government kung saan nauna na ang Lung Center of the Philippines, Philippine Heart Center at Kidney Center.

Magbabayad ang mga ito ng kanilang utang sa buwis sa pamamagitan ng pagkakaloob ng libreng serbisyong medikal sa mga mahihirap na residente ng QC. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

BAGONG SILANGAN

BARANGAY COMMONWEALTH

KIDNEY CENTER

LUNG CENTER OF THE PHILIPPINES

MANILA WATER

METROPOLITAN WATERWORKS

PHILIPPINE HEART CENTER

QUEZON CITY

SEWERAGE SYSTEM

TREASURER VICTOR ENDRIGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with