^

Metro

Alba suspect din sa mga napatay na bading - CPD

-
Sa kabila ng pagkakadakip at pag-amin ni Eric Manalo Alba, sa pamamaslang sa showbiz writer na si Ellie Formaran, sinabi ng Central Police District na mananatili din itong suspect sa iba pang insidente ng pamamaslang sa iba pang bakla sa Quezon City.

Ayon kay Supt. Popoy Lipana, hepe ng CPD-CIU, sasailalim pa rin sa masusing interogasyon at finger prints examination si Alba, 27 upang malaman kung ito rin ang responsable sa pagpatay sa lima pang miyembro ng third sex simula pa noong nakaraang taon sa lungsod.

Pagkukumparahin ang finger prints na nakuha sa ibang napaslang na bakla at finger prints ni Alba sa crime scene sa Unit 4 Golondrina Villas sa New Manila, Quezon City.

Subalit ayon kay Lipana ang finger prints nito ay nasa pangangalaga ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng CPD.

Sinabi ni Lipana na naniniwala siya na si Alba lamang ang responsable sa pamamaslang kay Formaran at pagnanakaw at tangkang pagsunog ng kuwarto ng biktima.

Itinatanggi lamang umano ni Alba ang panununog at pagsakal kay Formaran dahil natatakot itong maparusahan ng death penalty.

Ipinaliwanag ni Lipana na sa pag-amin ni Alba ng pamamaslang palalabasin ito na self-defense ang insidente kung kaya’t napatay nito ang showbiz writer. Ito ay maaari lamang patawan ng life imprisonment.

Lumilitaw din sa kanilang pagsisiyasat na dinala ni Alba ang icepick sa kanyang paglabas sa kuwarto ni Formaran upang gamitin kay Rey Santiago, caretaker ng biktima sakaling pumalag ito. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ALBA

CENTRAL POLICE DISTRICT

DORIS FRANCHE

ELLIE FORMARAN

ERIC MANALO ALBA

FORMARAN

GOLONDRINA VILLAS

LIPANA

NEW MANILA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with