^

Metro

Napagkamalang magnanakaw kinatay ng helper

-
Nasawi sanhi ng pitong tama ng saksak sa buong katawan ang isang lalaki na pinagkamalang magnanakaw ng isang helper ng isang bahay, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Manila.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang nakilalang si Anthony Angelo, 23, tricycle driver at residente ng #1882-A Mindanao Ave., Sampaloc.

Pinaghahanap naman ang tumakas na suspek na nakilala lamang sa alyas na "Jun Silos" 24, stay-in helper sa isang bahay sa #724 Palawan St., Sampaloc.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:30 kamakalawa ng gabi sa tapat ng tinutuluyang bahay ng suspect.

Base sa salaysay ng ilang mga saksi, napansin umano nila ang biktima na pabalik-balik na naglalakad sa tapat ng bahay. Naghinala umano ang suspect na magnanakaw si Angelo at kumukuha lamang ng tiyempo.

Dito lumabas ang suspect at kinumpronta ang biktima na tumanggi sa akusasyon nito. Sinabi ni Angelo na may hinihintay lamang umano siyang kakilala at sa naturang lugar ang kanilang usapan.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa maglabas na ng patalim ang suspect at sunud-sunod na undayan ang biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

A MINDANAO AVE ANGELO ANTHONY ANGELO DANILO GARCIA DITO JUN SILOS NAGHINALA NAGKAROON NASAWI PALAWAN ST.
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with