^

Metro

Ulo ng 50-anyos na beautician pinasabog ng snatcher

-
Isang 50-anyos na baklang beautician ang agarang nasawi makaraang barilin sa sentido ng isa sa dalawang snatcher na humablot sa kanyang kuwintas, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.

Sabog ang bungo sanhi ng isang tama ng bala sa kanang sentido ang tinamo ng biktimang si Emilio Orgate, ng Palay St., Tumana, Barangay Concepcion Uno ng nasabing lungsod. Samantala agad na tumakas ang dalawang hindi pa nakikilalang mga suspect matapos ang insidente.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Jaime Gamueda Jr., dakong alas-2:30 ng hapon nang maganap ang insidente habang sakay sa pedicab ang biktima na minamaneho ni Nelson Mocenda at binabagtas ang kahabaan ng Mais Extension Tumana sa nabanggit na lungsod.

Bigla na lamang sumulpot ang dalawang hindi nakikilalang mga suspect sa harapan ng pedicab at mabilis na hinablot ng isa sa mga ito ang suot na gintong kuwintas ng biktima.

Agad na bumaba sa pedicab ang biktima at nagsisigaw at tinangkang habulin ang mga suspect.

Lingid sa kaalaman ng biktima ay bumunot ng baril ang isa sa mga suspect at saka mabilis siyang binalikan at malapitang binaril sa sentido.

Patuloy naman ang isinasagawang manhunt operation ng pulisya laban sa mga tumakas na mga suspect. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BARANGAY CONCEPCION UNO

BIGLA

EDWIN BALASA

EMILIO ORGATE

JAIME GAMUEDA JR.

MAIS EXTENSION TUMANA

MARIKINA CITY

NELSON MOCENDA

PALAY ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with