^

Metro

Sa nasunog na Super Ferry: Anggulong sabotahe inayunan ng MARINA

-
Lumilitaw na isang container van na sumabog sa loob ng cargo hold section ang pinagmulan ng sunog na tumupok sa buong SuperFerry-14 na posibleng isang pananabotahe, ayon sa isinagawang imbestigasyon ng Maritime Industry Authority (MARINA).

Ayon kay Oscar Sevilla, MARINA administrator, malaki ang ebidensyang nakita ng mga diver na nagkaroon ng pagsabog sa economy class sa gitna ng barko kung saan nasa ilalim nito ang cargo hold section.

Dito naman nakalagay ang iba’t ibang sasakyan at mga container vans ng iba’t ibang produkto.

Ayon sa testimonya ng isa nilang saksi, posible umano na nagmula ang pagsabog sa isang container van na hindi sumailalim sa inspeksyon dahil sa walang scanner ang barko nang bumiyahe ito.

Sa kabila nito, ayaw pa rin namang tanggapin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anggulong sinadyang pasabugin ang barko matapos na akuin ito ng isang Abu Solaiman ng Abu Sayyaf Group.

Sinabi ni PCG Commandant, Vice Admiral Arthur Gosingan na isang babae ang passenger 51 na nasa manifesto ng barko at hindi ang bandidong nasa pangalang Arnulfo Alvarado na sinasabi ni Abu Solaiman na siyang nagpasabog ng bomba.

Itinanggi naman ni Gosingan na banggitin ang pangalan ng naturang babae na passenger 51 habang wala rin sa manifesto ang pangalan ni Alvarado.

Tuluyang nagalugad na ng mga frogmen ng PCG ang loob ng naturang barko ngunit wala pa ring bangkay na natatagpuan sa loob nito.

Sinabi ni Gosingan na tambak ng mga bumagsak na mga debris ang loob ng barko at nahihirapan ang mga diver na iangat ang mga ito para makakuha ng ebidensya na may mga pasaherong nakulong dahil sa panganib na mag-collapse sa loob.

Sa kabila ng patuloy na search and retrieval operation, inamin ni Gosingan na pababa nang pababa ang porsyento ng mga survivor.

Umaabot pa rin sa 134 katao ang nawawala sa naturang trahedya habang mahigit sa 700 na ang nailigtas ng Philippine Coast Guard. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ABU SOLAIMAN

ARNULFO ALVARADO

AYON

DANILO GARCIA

GOSINGAN

MARITIME INDUSTRY AUTHORITY

OSCAR SEVILLA

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with