^

Dahil masamang tingin,lalaki tinodas

() - February 3, 2004 - 12:00am
Isang binata ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang lalaki na nakasalubong at nakatitigan nito, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Patay na nang idating sa Parañaque Medical Center ang biktimang si Freddie Galang, 26, ng Block 7, Sitio Bagong Silang, Brgy. Sucat ng nabanggit na lungsod.

Samantala, mabilis namang tumakas ang suspect na nakilala lamang Sonny, alyas Long hair ng nabanggit ding lugar matapos ang isinagawang krimen.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa Sitio Bagong Silang, Barangay Sucat, Muntinlupa City.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagkasalubong ang biktima at suspect kung saan nagkatitigan ang mga ito.

Minasama ito ng suspect at dahil dito ay walang sabi-sabing binunot sa bulsa ang isang balisong at saka sunud-sunod na inundayan ng saksak ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON BARANGAY SUCAT BRGY FREDDIE GALANG ISANG LORDETH BONILLA MEDICAL CENTER MINASAMA MUNTINLUPA CITY SITIO BAGONG SILANG
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with