^

Metro

40-anyos na dalaga,inilayo sa nobyo nagpakamatay

-
Isang 40-anyos na dalaga ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos umanong ayawan ng kanyang mga magulang ang kanyang nobyo, kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Pasig.

Patay na nang matagpuan ng kanyang mga kamag-anak si Jenny Alberto, ng Dr. Sixto Antonio St., Barangay Caniogan ng nasabing lungsod.

Ayon kay SPO2 Rodolfo Salamanca, may hawak ng kaso na dakong alas-7:30 ng gabi nang matagpuan ng kanyang pinsang si Myrna Ramirez na nakabitin sa kuwarto si Jenny gamit ang isang nylon cord na isinabit sa kisame.

Binanggit ni Myrna na yayayain na sana niyang kumain si Jenny nang makita niyang nagbigti ito.

Malaki ang paniwala ng pulisya na labis na dinamdam ni Jenny ang pag-ayaw ng kanyang mga magulang sa kanyang nobyo na dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

BARANGAY CANIOGAN

BINANGGIT

DR. SIXTO ANTONIO ST.

EDWIN BALASA

ISANG

JENNY ALBERTO

KANYANG

MALAKI

MYRNA RAMIREZ

RODOLFO SALAMANCA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with