^

Metro

P15-M NFA rice nasabat

-
Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Valenzuela City police at National Bureau of Investigation (NBI) ang humigit-kumulang na P15M halaga ng bigas ng National Food Authority (NFA) na inililipat sa ibang sako sa isinagawang raid sa isang warehouse sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat na tinanggap ni Senior Supt. Marcelino Franco Jr., district director ng Northern Police District Office (NPDO), nakumpiska ang 13,000 sako ng NFA rice sa Lucky Forwarders Inc. na matatagpuan sa #18 F. de Zafra St., Sitio Malabo, Brgy. Maysan, Valenzuela City.

Nabatid na dakong alas-3 ng hapon nang isagawa ng NBI at Valenzuela police ang nasabing raid matapos na magpalabas si Judge Floro Alejo ng Valenzuela Regional Trial Court ng search warrant laban sa isang Jorge Ang na may-ari ng nasabing kompanya.

Napag-alaman na nakatanggap ng reklamo ang pulisya hinggil sa umano’y may mga nakatagong NFA rice sa loob ng naturang warehouse at isinasalin sa ibang sako bago ibinebenta sa mga palengke sa mas mataas na halaga.

Dahil dito, nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad at dito nakita ang nasabing NFA rice, timbangan, ilang libong sako at mga dokumento na ginagamit sa illegal na operasyon nito.

Samantala, tila nakatunog naman ang mga empleyado ng nasabing kompanya kung kaya’t nagawa ng mga itong makatakas, maging ang may-ari nitong si Ang. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

JORGE ANG

JUDGE FLORO ALEJO

LUCKY FORWARDERS INC

MARCELINO FRANCO JR.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL FOOD AUTHORITY

NORTHERN POLICE DISTRICT OFFICE

ROSE TAMAYO

SENIOR SUPT

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with