^

Metro

2 ginang sinaktan ng kanilang mga selosong lover, 1 todas

-
Isang ginang ang nasawi habang ang isa naman ay na-ospital matapos na sila ay saktan ng kanilang mga live-in partner dahil sa akala na sila ay may mga kalaguyo sa magkahiwalay na pangyayari sa Makati City at Las Piñas City.

Dead on arrival sa Las Piñas District Hospital ang biktimang si Marilou Villafuerte, 35, beautician, ng Everlasting st., Brgy. CAA Compound nang ito ay saksakin sa katawan ng kanyang live-in partner na si Hermie Naron.

Sa imbestigasyon, dakong alas-11 ng gabi ay nagkaroon ng pagtatalo ang mag-live-in partner dahil sa pagseselos ng suspek na ang biktima ay may ibang lalaki.

Ang pagtatalo ng dalawa ay nauwi sa pagkuha ng patalim ng suspek at sinaksak nito ang biktima at pagkatapos ay agad na tumakas.

Sa Makati City ay walang awang ginulpi dakong alas-2 ng hapon ang biktimang si Annaliza Aguanta, 27, ng PNR Compound, P. Medina st., ng kanyang lover na si Edwin Tero.

Pagseselos din ang dahilan kaya ginulpi ng suspek ang biktima na umano ay may relasyon sa kanilang kapitbahay na lalaki.

Ang suspek naman ay nakakulong at nahaharap sa kasong serious physical injuries. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANNALIZA AGUANTA

BRGY

DISTRICT HOSPITAL

EDWIN TERO

HERMIE NARON

LAS PI

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MARILOU VILLAFUERTE

SA MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with