^

Metro

Kaso vs Korina Sanchez ibinasura

-
Ibinasura kahapon ng Department of Justice (DOJ) ang kasong kriminal na isinampa laban kay ABS-CBN Broadcaster Korina Sanchez ng kanyang katulong na si Bernardita Inocencio.

Sa walong pahinang resolusyon na ipinalabas nina State Prosecutor Robert Lao at Prosecution Attorney Mark Jalandoni, ibinasura nito ang kasong paglabag sa Section 28 ng Republic Act 8282 o Social Security System Law at paglabag sa Article 116 ng Labor Code laban kay Sanchez.

Si Sanchez ay una nang inireklamo ng kanyang katulong dahil sa umano’y hindi paghuhulog ng SSS remittances at hindi pagpapasuweldo sa kanyang katulong.

Bukod dito inakusahan din ni Inocencio si Sanchez nang panggugulpi.

Inamin ni Sanchez na hindi niya nagawang pasuwelduhin si Inocencio dahil sa binayaran naman ito ng P500 kada araw ng kanyang kaibigang si Pol Aquino makaraang magsilbi si Inocencio sa huli para magbalot ng mga regalo sa bahay nito sa Bel Air, Makati.

Ikinatuwiran ng DOJ sa naturang desisyon na nagawa pa ring hulugan ni Sanchez ang obligasyon kay Inocencio sa SSS remittance kaya’t wala na itong hindi natugon pang obligasyon.

Iginiit pa ng DOJ na walang matibay na katigan ang mga akusasyon ni Inocencio laban kay Sanchez. Nilinaw ng piskalya na ang alegasyon ay hindi maaaring gamiting ebidensiya para patotohanan ang isang isyu.

Pabagu-bago din umano ang testimonya ni Inocencio sanhi upang tuluyang mawalan ito ng kredibilidad kaya’t tuluyan nang idinismis ng DOJ ang kaso.

Sinabi pa ni Lao na wala rin silang makitang basehan para isampa ang kaso sa hukuman dahil sa kawalan ng merito sa kaso. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

BEL AIR

BERNARDITA INOCENCIO

BROADCASTER KORINA SANCHEZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

GRACE AMARGO

INOCENCIO

LABOR CODE

POL AQUINO

PROSECUTION ATTORNEY MARK JALANDONI

SANCHEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with