^

Metro

Rod Strunk gigisahin ngayon ng NBI

-
Nakatakdang isalang ngayong araw na ito sa masusing interogasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang asawa ng minurder na aktres na si Nida Blanca na si Rod Lauren Strunk.

Ayon sa ilang NBI sources, na si Strunk ay nakatakdang makipagkita ngayong araw na ito sa mga NBI officials para sagutin ang ilang katanungan na bahagi pa rin ng isinasagawang imbestigasyon sa kasong pagpaslang kay Nida Blanca.

"Kailangan namin siyang tanungin, maaaring may ilan pang katanungan na hindi naitanong sa kanya ng mga imbestigador ng Task Force Marsha," pahayag pa ng NBI investigator.

Bukod kay Strunk, tinatayang pito pang household staff ng nasawing aktres ang nakatakdang isailalim sa interogasyon at polygraph tests.

Si Harriet Demetriou, abogado ng anak ni Nida na si Kaye Torres ay tumulong sa mga NBI investigators sa pagla-line-up ng mga katanungan.

Samantala, itinurn-over na rin ng mga tauhan ng PNP-CIDG sa NBI ang ilang piraso ng ebidensiya na narekober sa crime scene.

Sinabi pa ng NBI source na ang bagong testigo na sinasabi ni Justice Secretary Hernando Perez ay hindi isang bagong testigo kundi ang dati na rin na si Meliton Viscaya, dating tauhan ng Army na nauna nang umamin na inuperan siya ng dalawang babae noong nakalipas na Agosto para patayin si Nida. Binanggit pa na ang pahayag nito ay maituturing na walang halaga.

Samantala, umapela naman sa Quezon City-Regional Trial Court ang pamunuan ng PNP kaugnay sa kautusan sa kanilang ilutang ang nawawalang negosyante na si Mike Martinez.

Sa kanilang apela, binanggit ng PNP na bigyan pa sila ng sapat na panahon para mailabas si Martinez dahil sa kasalukuyan umano ay hindi nila nalalaman kung nasaan ito.

Kasabay nito, umapela rin ang pulisya sa Court of Appeals na humihiling na atasan ang Mababang Hukuman na balewalain ang nauna nitong kautusan na may kinalaman kay Martinez.

Sa isinagawang panayam kay QC-RTC Judge Percival Lopez ng branch 78 na hihintayin muna niya ang kasagutan ng CA sa apela ng PNP bago siya umaksyon sa nasabing usapin.

Pinanindigan din ni Lopez na malaki ang kanyang paniwala sa pahayag ng self-confessed killer na si Phillip Medel na nakita niya si Martinez sa loob ng Camp Crame. (Ulat nina Mike Frialde at Angie Dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE DELA CRUZ

CAMP CRAME

COURT OF APPEALS

JUDGE PERCIVAL LOPEZ

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

KAYE TORRES

MABABANG HUKUMAN

MELITON VISCAYA

MIKE FRIALDE

NIDA BLANCA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with