^

Metro

Hindi makayanan ang sakit, lolo nagbaril sa sarili

-
Inunahan na ng isang 68-anyos na lolo ang kanyang nararamdamang sakit sa pagkitil sa kanyang sariling buhay nang pasabugin nito ang kanyang ulo gamit ang isang baril, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Patay na nang isugod sa Mandaluyong City Medical Center si Lolo Apolinar Cruz, residente ng No. 243 A. Bonifacio St., Brgy. Hagdang Bato Itaas, ng lungsod na ito.

Nagtamo ito ng isang tama ng bala ng baril sa sentido na naging sanhi ng agaran niyang pagkamatay.

Sa ulat ni SPO2 Jaime Masilang imbestigador, natagpuan ang bangkay ni Lolo Apolinar dakong alas-8:30 ng gabi sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ng asawa nitong si Rosita.

Sinabi ni Lola Rosita na bago magbaril ang kanyang mister ay napansin na niya ang pagiging malungkutin nito dahil sa iniinda nitong sakit noong mga nakaraang araw. Ayaw naman umanong magpakonsulta nito dahil sa pangamba sa gastusin.

Isang malakas na putok ang narinig niya sa kuwarto at nang pasukin niya ito ay nakita niya ang duguan niyang mister.

Narekober ng pulisya ang baril na ginamit nito sa pagpapakamatay. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYAW

BONIFACIO ST.

DANILO GARCIA

HAGDANG BATO ITAAS

JAIME MASILANG

LOLA ROSITA

LOLO APOLINAR

LOLO APOLINAR CRUZ

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with