^

Metro

'Mahiwagang' election returns natagpuan sa kahon ng sardinas

-
Muling naghari ang tensyon sa loob ng Bulwagang Bonifacio sa Caloocan City hall na dito ginaganap ang bilangan ng mga balota matapos na dumating ang isang kahon ng sardinas na naglalaman ng may 19 na election returns.

Ayon sa mga kagawad ng Caloocan Police Special Weapons and Tactics (SWAT) na sa kabila ng mahigpit nilang pagbabantay ay nakalusot pa rin ang mga nabanggit na election returns na nakalagay sa kahon ng sardinas at bitbit ng isang miyembro ng Comelec.

Nabatid na nauna nang sinita ng mga pulis ang nasabing tauhan ng Comelec na tumangging magbigay ng kanyang pangalan. Binanggit pa ng mga pulis na ipapaamoy umano sana nila sa K-9 dog ang naturang kahon subalit tumanggi ang tauhan ng Comelec at dire-diretso itong pumasok sa loob ng canvassing area.

Nagulat na lamang ang mga awtoridad ng magkaroon ng komosyon sa loob ng Bulwagang Bonifacio at makita sa harapan ni Atty. Calixto Ramos, chairman Board Canvasser ang kahon. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AYON

BINANGGIT

BOARD CANVASSER

BULWAGANG BONIFACIO

CALIXTO RAMOS

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE SPECIAL WEAPONS AND TACTICS

COMELEC

GEMMA AMARGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with