^

Metro

Nag-amok niratrat ng sekyu, todas

-
Isang naghuramentadong lalaki ang pinaulanan ng bala ng isang security guard nang walang habas nitong pagtatagain ang huli sa Ermita, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ang di-nakilalang nag-amok na lalaki na namatay sa lugar ng pinangyarihan ng krimen sanhi ng apat na tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay tinatayang nasa 50-57 anyos, mestiso, nakasuot ng printed na polo shirt, itim na pantalon, leather na tsinelas at salamin sa mata.

Samantala, ang biktima na malubha ring nasugatan at kasalukuyang sumasailalim sa operasyon sa PGH matapos magtamo ng taga sa ulo at kamay at saksak sa tiyan ay kinilalang si Reynaldo Buela, 48, may asawa, residente ng 4844 Ang Buhay st., Sta. Mesa, Maynila at security guard ng Astral Tower na matatagpuan sa panulukan ng Taft Avenue at Padre Faura st., Ermita.

Batay sa pagsisiyasat ni Det. David Tuazon, may hawak ng kaso ng Western Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-4 ng madaling-araw sa Astral Tower nang bigla na lamang umanong sugurin ng suspek na noon ay armado ng bolo ang naturang sekyu habang nakaupo at nagbabantay sa front desk ng naturang gusali.

Agad na pinagtataga ng suspek si Buela sa di-malamang kadahilanan at bagamat sugatan, nagawa pa umanong bunutin ng naturang guwardiya ang kanyang .38 kalibreng service revolver at barilin ang nagwawalang suspek.

Matapos ang insidente, nagawa pang dalhin ni Buela ang kanyang sarili sa nasabing ospital samantalang ang suspek ay agad ding namatay.

Kasalukuyan namang inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pag-aamok at pagkakakilanlan ng suspek habang ang labi nito ay pansamantalang inilagak sa Tres Amigos funeral parlor para sa awtopsiya. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ANG BUHAY

ASTRAL TOWER

BUELA

DAVID TUAZON

ELLEN FERNANDO

ERMITA

MAYNILA

PADRE FAURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with