Parricide vs anak na nakapatay sa ama
March 15, 2001 | 12:00am
Nakatakdang sampahan ng kasong parricide ng Central Police District (CPD) ang Army sergeant na nakapatay sa kanyang ama matapos silang magbarilan makaraang pagbabarilin ng ama ang asawa nito at anak na babae, kamakalawa ng hapon sa Balingasa, Quezon City.
Ayon kay Chief Insp. Rudy Jaraza, CPD-Homicide Section chief, sasampahan nila ng kasong parricide si Army Sgt. Charlie Chua, 36, matapos nitong mapatay sa kanilang enkuwentro ang kanyang ama na si David Chua, 70.
Unang iniulat ng Scene of the Crime Operation (SOCO) ng CPD na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng matandang Chua ang kanyang pamilya saka ito nagbaril sa kanyang sarili.
Pinagbasehan umano ng SOCO na hawak pa ng matandang Chua ang kanyang baril at may tama ng bala sa sentido kaya ipinagpalagay ng mga awtoridad na nagpakamatay ito matapos pagbabarilin ang kanyang pamilya.
Pero sa pagsisiyasat ng CPD-Homicide section at base na rin sa pahayag ni Sgt. Chua sa pulisya ay inamin nitong napatay niya ang kanyang ama matapos silang magbarilan nito kamakalawa makaraang unang pagbabarilin ni David ang asawa at anak nito.
Bandang ala-una kamakalawa ng hapon nang sumugod ang matandang Chua sa kanyang dating asawa na si Chua Yun Su, 68, sa Phase 3 Lot 22 M.Y. Homes, Marvex Drive, Bgy. Balingasa, QC dahil sa pagsasampa umano nito ng kaso sa korte kaugnay ng pagkabigo ni Mr. Chua na magbigay ng sustento at alitan sa hatian ng conjugal property.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dating mag-asawa hanggang sa bumunot ng kanyang kalibre .38 si David at pinagbabaril ang asawa. Dumating naman ang anak nitong si Elizabeth Chua-Relucio, 32, at pinagbabaril din ng ama.
Nang marinig ni Sgt. Chua ang sunud-sunod na putukan sa loob ng kanilang bahay ay pumasok ito at nakita na nakabulagta ang ina at kapatid habang nakatayong may hawak na baril ang ama.
Pinagbalingan din ito ng galit at pinagbabaril kung saan nagtamo siya ng tama ng bala sa katawan at daplis ng bala sa ulo.
Kahit sugatan ay tumakbo ito patungo sa kanyang kuwarto saka nito kinuha ang kanyang 9mm service pistol hanggang sa makipagpalitan ito ng putok sa ama at mapatay ito.
Binabantayan naman ng mga CPD operatives si Sgt. Chua sa silid nito sa Chinese General Hospital habang inihahanda naman ang kasong parricide laban dito. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended