^

Metro

Misis huli ni mister na kahalikan ang driver

-
Isang 33-anyos na ginang ang pinagharap ng kasong adultery ng kanyang mister, matapos umano itong mahuli sa aktong nakikipaghalikan at nakikipagyakapan sa isang driver sa loob ng kanilang bahay sa Palar Village, Fort Bonifacio, Makati City kahapon ng madaling-araw.

Kapwa nakakulong ngayon sa Criminal Investigation Division (CID) detention cell, Makati City Police ang mga suspek na sina Alma Fabian, nakatira sa #7 Abbot st., Palar Village ng nabanggit na lungsod at Fernando Martin, 24, binata, driver, ng Hobert st., ng nabanggit na lugar.

Samantala, ang nagharap ng reklamo ay nakilala namang si Regenito Fabian, 43, latero.

Base sa pahayag ni Regenito kay SPO3 Nestor Valenzuela, ng General Assignment Section (GAS), umuwi siya sa bahay dakong alas-12 ng madaling-araw galing sa trabaho at nang buksan niya ang pinto ng kanilang kuwarto ay bumulaga sa kanya ang kanyang misis na kayakap at kahalikan si Martin.

Halos mataranta ang dalawa, pero napigilan pa rin ni Regenito ang kanyang matinding galit at tumawag na lamang ito ng mga barangay tanod hanggang sa pinadampot ang kanyang misis at si Martin. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALMA FABIAN

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

FERNANDO MARTIN

FORT BONIFACIO

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

NESTOR VALENZUELA

PALAR VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with