^

Metro

Binatilyo napigilan sa paghahagis ng pillbox sa mga nagsisimbang-gabi

-
Naaresto ng pulisya ang isang 15-anyos na binatilyo matapos itong mahulihan ng pillbox na umano’y ihahagis sa mga taong nagsisimbang-gabi kahapon ng madaling-araw sa tapat ng San Roque Church sa Caloocan City.

Kinilala ni Supt. Eduardo Bayangos, hepe ng Caloocan police station 2 ang suspek na si Symond Sampang, out-of-school, ng 130 J. Felipe st., Caloocan.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Edgardo Esguerra, dakong alas-5 ng umaga nang maaresto ang suspek habang nagtatakbuhan sa tapat ng simbahan.

Nauna rito ay isang malakas na putok ang narinig ng mga nagpapatrulyang pulis buhat sa naturang simbahan kaya’t kaagad silang nagresponde dito hanggang sa maabutan si Sampang kasama ang iba pang mga kabataan na nagtatakbuhan.

Nadakip ang suspek habang dala nito ang pillbox samantalang nakatakas ang iba pa nitong mga kasama na nauna nang nagpaputok samantalang masuwerte namang walang natamaan sa mga taong nagsisimbang-gabi.

Ayon kay Esguerra, ang grupo umano ng suspek ay matagal nang inirereklamo ng mga taong nagsisimbang-gabi sa naturang simbahan dahilan sa panggugulo ng mga ito at paghahagis ng pillbox. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AYON

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

EDGARDO ESGUERRA

EDUARDO BAYANGOS

ESGUERRA

GEMMA AMARGO

SAN ROQUE CHURCH

SYMOND SAMPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with