^

Metro

Pinsan ni Pops tiklo sa drug bust

-
Inaresto ng mga elemento ng Criminal Investigation Detection Group, Quezon City Field Office ang pinsan ng aktres na si Pops Fernandez at live-in partner nito sa isinagawang operasyon ng naturang grupo sa bahay ng mga ito sa Bgy. dela Paz, Makati City, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang mga nahuli na sina Cristine Fernandez, nagpakilalang pinsan ni Pops at live-in partner nitong si Raymond Santos, pawang residente ng Kingswood Condominium sa Makati City.

Nakuha ng mga pulis mula sa mga suspek ang anim na gramo ng shabu at paraphernalia.

Napag-alaman na matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad ang mga suspek bunsod na rin ng paggamit umano ng mga ito na bagsakan ng droga ang Quezon City.

Hinuli ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni QCRTC Judge Diosdado Peralta ng Branch 95.

Ang mga suspek ay nakapiit sa CIDG field office sa QC habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

CRIMINAL INVESTIGATION DETECTION GROUP

CRISTINE FERNANDEZ

JUDGE DIOSDADO PERALTA

KINGSWOOD CONDOMINIUM

MAKATI CITY

POPS FERNANDEZ

QUEZON CITY

QUEZON CITY FIELD OFFICE

RAYMOND SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with