Wala munang Christmas party’ - PNP chief
MANILA, Philippines — Kung si Philippine National Police chief Gen. Dionardo Carlos ang tatanungin, mas makabubuti kung wala munang Christmas party habang nanatili ang banta ng COVID-19.
Ayon kay Carlos, maging ang pagtitipon o Christmas party ay limitado sa mga magpapamilya at fully-vaccinated.
“The PNP discourages the holding of traditional Christmas gathering among family members, co-workers, schoolmates and circle of friends while the threat of COVID-19 and its variants continue to raise public health concerns,” ani Carlos.
Matatandaang sinabi noon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pinapayagan na ang Christmas party sa mga pami-pamilya lamang.
Wala umanong katiyakan na hindi magkakahawaan sa pagtitipon dahil hindi na naisasaalang-alang dito ang social distancing at iba pang health protocols.
Binigyan diin ni Carlos na hindi dapat na makampante ang publiko lalo na ngayong may bagong variant na Omicron.
- Latest