^

Kutob

(Enero 4, 2014)

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Hindi lang sa pagkaing pangkatawan nabubuhay ang tao kundi higit sa pagkaing pang-ispirituwal.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Kundisyon ang isip at katawan. Kailangan ang lakas ng katawan sa haharaping problema. Alisin ang galit na namamahay sa dibdib. Magpatawad sa mga taong nagkasala upang gumaan ang hanap-buhay. Lucky numbers at color for the day ay 1, 29, 35, 40 at gray.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Malu­lutas ang kagipitan kung pagsisikapang ha­napan ng solusyon. Kung ano ang ma­gan­dang naisip, kilos kaagad. Manatiling mahinahon. Layuan ang mga taong mapupusok dahil maaaring ipahamak ka sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 28, 31 at indigo.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Magkakaroon ng kaukulang paliwanag ang isang akusasyon o pagbibintang. May darating na bagay mula sa ibang bansa. Hindi mapapawi ang nararamdamang pangungulila, dapat paglabanan. Manalangin ng taos puso upang maibsan ang bigat ng damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 24, 31, 43 at jade green.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Baka maturuan ka ng leksiyon sa pangyayaring masasak­sihan. Mahalagang pakinggan ang binubulong ng konsensiya na magiging hakbang sa kapakanan ng mi­namahal. Itikom ang bibig upang hindi mapa-away. Lucky numbers at color for the day ay 5, 17, 34, 44 at orange.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Magiging ma­ilap ang kapayapaan ng kalooban. Patawarin ang taong kinaiinisan upang tahimik ang kun­sensya. Ituloy ang nasimulang gawin. Maging alerto sa ginagawa upang  hindi magkamali o mapahamak. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 27, 33 at red.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Mapapatuna­yan ng sarili ang sinayang na panahon na hindi na maibabalik. Ituloy ang nasimulang trabaho dahil may biyayang naghihintay. Iwasan ang anumang uri ng sugal. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 18, 26 at green.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – May mga pag­kakamali kang magagawa kung hindi mag-iingat. Malamang may dadalaw na kaibigan mula sa malayong lugar. May magandang oportunidad na naghihintay kung makakadalo sa isang salu-salo o pagtitipon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 26, 43 at moss green.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – May intriga kang maririnig na sisirain ang iyong interes. Huwag padala sa intriga at ituloy ang gawain o binabalak. Magpasalamat dahil mahaharap mo ngayon ang matagal nang mga plano. Malamang makasama ang pamilya sa isang lakaran. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 27, 32 at lavender.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Iwasan ang usapan na karaniwang ugat ng hindi pagkakaunawaan. Huwag magpadala sa pagka-agre­sibo ng kaibigan upang hindi masangkot sa gulo. Pa­natilihin  ang tiwala at respeto ng kasambahay. Pag-ukulan ng pansin ang minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 25, 42 at turquoise.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Matutuklasan ang sariling potensiyal kung paano mapapakinabangan. Ituloy ang naudlot na mithiin at tiyak na magtatagumpay. Ilang kaibigan ang tutulong na maituwid ang maling pananaw tungkol sa usaping pag-ibig o hanap-buhay. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 30, 36 at pink.

SCORPPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Sa­sang-ayon sa panukala ang mga nakakataas. Mabibigyan ng kahalagahan ang pagsisikap. Lingunin ang pinanggalingan upang makarating sa patu­tunguhan. Bayaran ang mga obligasyon at pinagkakauta­ngan. Lucky numbers at color for the day ay  2, 15, 27, 32 at tangerine.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Isulong ang planong pangkabuhayan na naisip noong mga buwang nakalipas dahil may biya­yang naghihintay. Mapagtutuunan ang hamon ng oportunidad na kusang darating. Maging alerto at maagap. Ina­ayunan ng panahon ang pagtuklas. Lucky numbers at color for the day ay 1, 17, 25, 38 at fuchsia.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

ITULOY

LUCKY

NUMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with