Higit 500 PDLs mula NBP, inilipat sa Iwahig sa Palawan
MANILA, Philippines — Hindi bababa sa 500 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang ligtas na inilipat sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan nitong Linggo bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na ma-decongest ang pinakamalaking correctional facility ng bansa.
Sinabi ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na ang pinakabagong paglilipat ay naaayon din sa paghahanda para sa planong pagsasara ng NBP, na matagal nang humaharap sa siksikan at iba pang operational challenges.
Sinabi ni Catapang na ang mga inilipat na PDL ay magpapatuloy sa paglilingkod ng kanilang mga sentensya sa ilalim ng naaangkop na security at rehabilitation programs sa Iwahig.
Ayon naman kay NBP Senior Superintendent Gary Garcia, sa pinakabagong paglilipat, umabot na sa 2,246 ang kabuuang bilang ng mga PDL na inilipat mula sa NBP patungo sa iba’t ibang operating prison and penal farms (OPPFs) ngayong taon, o kabuuang mahigit 17,000 PDLs mula nang umupo si DG Catapang noong 2022.
- Latest




















