Esmeringhoy’ bawal banggitin,sa iskul sa Pangasinan

MANILA, Philippines — Ipinagbabawal sa Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng Bani East Integrated School ang paggamit ng salitang “Esmeringhoy” lalo na sa mga official school events at lahat ng online platforms na affiliated ng paaralan sa Bani, Pangasinan
Ang kautusan ay naipalabas ng SSLG nang ang salitang esmeringhoy ay mag-viral sa social media na tumutukoy sa “marital intimacy.”
“Dapat hindi po sana namin gamitin na mga students, lalo na kami po ay mga menor-de-edad po. I-uphold po natin yung GMRC natin. I-uphold po natin ‘yung high moral standard natin dito sa school,” ayon kay Sheena Galzote, SSLG Vice President ng Bani East Integrated School.
Ang naturang kautusan ay unang inanunsyo sa official Facebook page ng naturang paaralan.
“Naging concern po ‘yun dito sa school dahil ang mga bata, malaya nilang sabihin ‘yun na hindi siya something educational. ‘Pag nasa canteen, kapag nasa classroom, bigla na lang nilang jokingly siguro ay sinasabi ‘yun,” ayon kay Mary Grace Villacorta-Suyat, Principal III ng Bani East Integrated School.
Aniya, naglibot sila sa bawat classroom para ipaliwanag ang naturang anunsyo.
Umamin ang pamunuan ng paaralan na mahirap i-monitor ang mahigit 1,500 learners, ngunit tiwala silang magbibigay ito ng disiplina sa mga mag-aaral.
Ayon sa management ng paaralan, sa first offense ay sasailalim sa counseling at verbal warning ang sinumang lalabag sa kautusan bukod sa bibigyan ng written warning at ipatatawag ang magulang para kausapin ng adviser at guidance counselor sa second offense at sa third offense, ipatatawag na sa principal’s office ang mag-aaral na hindi susunod sa kautusan.
- Latest















