Ex-governor ng Albay abswelto sa ‘indirect bribery’
MANILA, Philippines — Inabsuwelto ng Sandiganbayan Third Division si dating Albay Governor Edcel Greco “Grex” Lagman sa kasong indirect bribery at paglabag sa Anti-Illegal Numbers Game Law dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Ayon sa graft court, ang mga pangunahing testigo na naghain ng sinumpaang salaysay hinggil sa umano’y pag-uugnay kay Lagman sa operasyon ng jueteng sa lalawigan ng Albay bilang umano’y tagapagtanggol nito ay bumaligtad at tumestigo nang salungat sa mga katotohanang isinalaysay sa kanilang mga naunang pahayag.
Ayon sa Sandiganbayan, ang mga paunang sinumpaang salaysay ng mga testigo ay hindi maaaring gamitin upang suportahan ang paratang at magbigay ng konteksto sa natitirang ebidensya ng prosekusyon, na kinabibilangan ng isang Toyota Fortuner na umano’y ginamit sa paghahatid ng payola ng jueteng kay Lagman at 60 bank deposit slips na nagpapakita ng mga cash deposit sa maliliit na halaga sa pangalan ni Lagman.
“Alinsunod sa Rules on Evidence at mga kaugnay na jurisprudence, ang katotohanan ng mga bagay na nakapaloob sa mga independyenteng may kaugnayang pahayag na ito ay hindi na maaaring gamitin upang magbigay ng konteksto ng mga corroborative roles sa mga natitirang ebidensya, kaya’t ang lorte ay walang mahihinuha sa pagtukoy kung si Lagman nga ay nagkasala sa mga ikinamong krimen,” ayon sa Sandiganbayan.
- Latest



















