TNT puro na sa semis spot
MANILA, Philippines — Malakas pa rin ang signal ng TNT Tropang 5G sa Game Two matapos tambakan ang Magnolia, 93-71, para sa higanteng 2-0 bentahe sa PBA Season 50 Governors’ Cup quarterfinals kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Kumaripas sa 16-4 ratsada ang Tropang 5G at hindi na nagpaawat pa nang mapalobo pa ito hanggang sa 24 puntos patungo sa 18 puntos na tagumpay.
Ito ang ikalawang sunod na tambak na panalo ng Tropang 5G, kahit pa No. 4 sa Group A, matapos ang 92-70 paggulpi sa Group B top seed Hotshots.
Halimaw na 39 puntos at 15 rebounds ang ibinuhos ni reigning Best Import Rondae Hollis-Jefferson upang giyahan ang TNT.
“We wanted to make sure that we come out with better effort, better defense, better concentration and better communication. Better than everything in Game 1 so defense carried us through,” sabi ni coach Chot Reyes.
Nag-ambag sina Brandon Ganuelas-Rosser at Roger Pogoy ng 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Hindi na kinailangan pa ng TNT ang malaking produksyon ni ace player Calvin Oftana na may anim na puntos lang sa kabuuan ng laro.
Anim na manlalaro pa ang nakapasok sa scoring board ng Tropang 5G na namuro na sa unang tiket sa semifinals kontra sa magwawagi sa pagitan ng mag-utol na Barangay Ginebra at San Miguel.
Hindi man lang naghabol ang TNT sa duwelo tampok pa ang 84-60 na siyang pinakamalaki nitong bentahe kahit pa nakadikit sa hanggang dalawang puntos ang Magnolia.
Kumamada ng 24 puntis si import KJ Buffen para banderahan ang Hotshots.
May 16 marka si Jerom Lastimosa at 13 puntos si Jerom Lastimosa.
Subalit kulang pa rin para mabigyan ng unang panalo sa serye ang mga trop ani coach LA Tenorio.
- Latest






















