^

Probinsiya

Bodega ni-raid sa Cavite:P20 milyong ilegal na bigas samsam

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Sinalakay ng awtoridad ang isang bodega na naglalaman ng mga ilegal na imbakan nang sako-sakong bigas sa bayan ng Naic, dito, kamakalawa.

Base sa ulat, isinagawa ang raid ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-RFU 4A), Bureau of Customs (BOC) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA)-4A nitong Lunes sa isang malaking bodega sa Brgy. Malainen Bago, Naic.

Pagdating ng grupo, tumambad sa kanila ang may 16,492 na sako ng bigas na nagkakahalaga ng P20 milyon.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na pag-iimbak at hinalang paghahalo ng imported na bigas sa mga lokal na ani.

Binigyang diin ni PNP chief PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr. na patuloy ang pakiki­pagtulungan ng pulisya sa iba pang ahensya ng gobyerno upang sugpuin ang mga gawaing sumisira sa patas na merkado at naglalagay sa panganib sa kalusu­gan ng mga konsyumer.

ILEGAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with