^

Police Metro

P7.2 trilyon 2027 national budget, lusot sa 2nd reading

Joy Cantos - Pang-masa
P7.2 trilyon 2027 national budget, lusot sa 2nd reading
A farmer tends a cracked and parched farmland at a rice field in Barangay Sabang, Naic, Cavite on April 23, 2026
STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ng House of Representatives ang House Bill No. 10858 o ang panukalang P7.2-trilyong pambansang badyet para sa 2027 na pinondohan ang inaasahang matinding epekto ng Super El Niño.

Ayon kay House Committee on Appropriations Chairperson Rep. Mikaela Angela “Mika” Suansing, isponsor ng nasabing panukalang batas ang bersiyon ng Kamara sa HB No.10858 ay may mga amyenda na naglalayong ang pambansang pondo ay agarang tutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino at pinalalakas rin ang paghahanda sa mga hamon kabilang na ang Super El Niño o matinding tagtuyot.

Kabilang sa mga naaprubahang amyenda ay ang pagpapailaw sa malalayong komunidad sa ilalim ng National Rural Electrification Program (NREP) na naglalayong tiyakin na maabot ng episyenteng distribusyon ng kuryente ang mga liblib na lugar.

Inaprubahan din ang amyenda sa Personnnel Economic Relief Allowance (PERA) sa reporma sa probisyon o ang “ Personnel Economic Relief Allowance na nasa P2,000 kada buwan.

Samantala, sa edukasyon, nagdagdag ng karagdagang P2.1 bilyon para sa Tertiary Education Subsidy. Ang Budget Amendments Review Subcommittee (BARSc) ay inirekomendang dagdagan ng P1.77 bilyon para sa Tulong Dunong Program na walang pondo sa National Expenditure Program (NEP) habang inirekomenda rin ang dagdag na P500 milyon para sa School Safety and Security Program na zero ang alokasyon sa (NEP).

EL NIñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with