Manileño dinaga sa Zamboangueño?
NANGHILAKBOT sa takot ang mga pulitikong kurakot sa kaban ng bayan sa iminungkahing House Bill No.11211 ni Zamboanga 1st District Congressman Khymer Adan Olaso para isabatas na muli ang parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad. Kapag may katwiran, Ipaglaban mo Cong. Olaso!
Agad namang sinalubong ito ng pagtutol ni Manila 3rd District Congressman Joel Chua dahil hindi raw ito makatao. Kinakabahan siguro si Chua na maisabatas ito dahil mauubos ang mga kabaro nito sa Kongreso at Senado. Kailangan din na asintado ang gaganap na shooter. Apunten. Fuego!
Ipinatupad ang death penalty sa ilalim ng pamamahala ni Commonwealth Government Governor General Theodore Rosevelt Jr. (R. A 3815) noong 1932 at ipinagpatuloy ni Manuel L. Quezon noong 1935. Walang naipabitay si Quezon, sayang!
Binura ito ni Cory Aquino nang manungkulan ito noong 1986-1992, pero muling ibinalik ni Fidel Ramos ang death penalty (R.A. 7659) noong 1993.
Naipatupad ni Erap ang batas na bitay kay Leo Echegaray noong February 5, 1999. Lumaon at siya naman ang naharap sa isyu ng korapsyon kaya napilitan itong mag-resign noong January 20, 2001. Napatunayan ng Sandiganbayan na guilty si ERAP sa kaso ng pandarambong noong September 12, 2007 at hinatulan ng pagkakakulong ng habambuhay. Bakit daw hindi bitay?
Inalis na ni Gloria M. Arroyo ang death penalty (RA 9346) noong June 2006 isang taon bago hatulan si ERAP ng Sandiganbayan at iginawad nito kay ERAP ang Presidential Pardon noong 2010. Nahalal na Manila Mayor at nanariwa’ng muli ang kisig ni Asiong.Tagay pa more!
Kung hindi papasa ang mungkahi ni Cong. Khymer Adan Olaso at walang katatakutang maragsang batas ang mga mandarambong ay huwag na tayong umasa na titino pa ang gobyerno. Sige mangutang na lang ulit tayo. Hindi kaya tanghalin pang bayani si Cong. Joel Chua ng mga balasubas? Sigurado ‘yan!s
- Latest















