^

PSN Showbiz

Jericho at Janine, mas maraming laro sa loyalty

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jericho at Janine, mas maraming laro sa loyalty
Jericho Rosales at Janine Gutierrez

Hindi pa tapos ang laro!

Mas maraming sikreto, pasabog at kuwentong hindi napanood sa Prime Video ang matutunghayan sa mas mahaba at pinalawak na bersyon ng The Loyalty Game, ang The Loyalty Game: Level Up, simula Oktubre 5.

Mas palalalimin ng The Loyalty Game: The Level Up ang kuwento nina Ben at Ana, na ginagampanan nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez. Mula sa tila matatag na pagsasama, mauuwi ang kanilang relasyon sa masalimuot na laro ng pag-ibig, panlilinlang at pagtataksil matapos mabunyag ang mga lihim na susubok sa kanilang tiwala sa isa’t isa.

Bukod sa mga eksenang hindi kasama sa Prime Video version, mas mabibigyang-pansin din ang mga backstory at pangyayaring magpapaliwanag sa mga desisyon ng bawat karakter. Kaya kahit napanood na ang serye sa streaming platform, may mga bagong rebelasyon at detalye pa ring dapat abangan sa The Loyalty Game: Level Up.

May lamang naman na pitong araw ang iWant viewers dahil bawat episode ay mapapanood sa platform isang linggo bago ito ipalabas sa telebisyon.

Sa media conference ng serye, ibinahagi ni Jericho na mas maraming twist at mas malalalim na kuwento ang hatid ng expanded version.

“There would be more twists, and the plots and backstories are fleshed out. Mas magandang viewing pleasure,” saad niya.

Excited din si Janine na mas makilala ng mga manonood ang loyalty testers, na nag-iwan ng maraming tanong sa mga nakapanood ng Prime Video version.

“Maraming madadagdag na scenes sa loyalty testers. Excited akong mapanood sila. Ang daming nagtatanong anong nangyari sa kanila, so ‘yung mga nakapanood sa Prime, masasagot ’yung questions nila,” ani Janine.

Ayon naman kay creative manager Jay Fernando, mas mahaba ang panahong makakasama ng viewers ang mga karakter sa Level Up, kaya mas mauunawaan nila ang mga pinanggagalingan, desisyon at komplikadong relasyon ng mga ito.

Patuloy namang kabilang ang The Loyalty Game sa most-watched series sa Prime Video Philippines. Umani rin ng papuri mula sa viewers ang cast dahil sa kanilang pagganap sa mga komplikado at mapangahas nilang mga karakter.

Kasama rin sa cast sina Charlie Dizon, Sofia Andres, Yassi Pressman,Yen Santos, Elisse Joson, Karina Bautista, KD Estrada, Robbie Jaworski,Alyanna Angeles, Kira Balinger, Maika Rivera at Carmina Villarroel. Tampok din sa serye ang veteran actors Carlitos Siguion-Reyna, Bernard Palanca, Desiree del Valle at Pilar Pilapil. Ang serye ay sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar, kasama sina Ian Loreños, Raymund Ocampo at Cathy Garcia-Sampana.

Mapapanood ang The Loyalty Game: Level Up simula Oktubre 5 sa Kapamilya Channel, TV5, ALLTV2, A2Z, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube at TFC. Maari namang i-stream ng iWant viewers ang serye pitong araw bago ito umere sa TV.

 

 

 

JERICHO ROSALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with