^

Bansa

Sen. JV may apela sa BOC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Senator JV Ejercito si Bureau of Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na paigtingin ang hakbang para malinis ang ahensiya partikular ang intelligence arm nito -  ang Customs Intelligence and Investigation Service o CIIS.

Panawagan ng senador dapat alisin sa puwesto ang mga opisyal at tauhan na sangkot sa korapsyon at pang-aabuso.

Sinabi ni Ejercito na sa tingin niya ay maraming nagsasamantala sa paligid ni Nepomuceno kabilang ang mga direktor, mga deputy commissioners at maging ang mga ahensiya o opisina gaya ng CIIS.

Ginawa ng senador ang panawagan kasunod ng kontrobersiya sa raid ng PNP-Highway Patrol Group sa isang warehouse sa Bulacan na umano ay imbakan ng mga smuggled na sigarilyo.

Lalo pang lumala ang isyu nang matuklasang tinangka umano ng dalawang BOC personnel na ibenta ang mga nakumpiskang puslit na yosi na dapat sana ay wawasakin na.

Bilang chairman ng Senate Committee on Finance si Ejercito ang mag-i-sponsor ng panukalang budget ng BOC para sa taong 2027.

BOC

JV EJERCITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with