^

Pang Movies

Ogie, pikon na sa pagdurusa ng bayan

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ogie, pikon na sa pagdurusa ng bayan
Ogie

Tila napikon na rin si Ogie Alcasid sa dusa ng taumbayan sa walang katapusang baha na nararanasan sa ating bansa.

Sa kanyang X account ay nagbigay ng pahayag ang OPM icon at tinanong ang madlang people kung papayag na lang ba tayo na laging ganito ang sitwasyon.

“Humupa ang baha. Tumigil na ang ulan. Dapat siguro tanungin natin ang ating mga sarili kung papayag pa ba tayo na laging ganito?” aniya.

Mariin pa niyang sey, “Hindi maaari kabayan! Hindi na maaari!”

Bumuhos naman ang suporta ng netizens sa tweet ni Ogie at nagpahayag din sila ng matinding galit sa nangyayari.

“Ung galit ng pilipino hindi dapat tuwing tag ulan lng dapat hanggang sa polling precint ng 2028.”

“Tama. Dapat magalit na tayo sa ganito. Tama na! Sobra na!”

“Pagdating ng eleksyon, kakantahan lang sila ng “wonderful tonight” malilimutan na nilang binaha sila. Mamimigay ng bigas, bobotante na ulet sila.”

“Solusyon sa baha isang gobyernong tapat.”

Yeng, nawalan ng boses

After ng matagumpay na 2 nights sold-out anniversary concert ni Yeng Constantino nitong nakaraang weekends, nawalan ng boses ang OPM singer-sonwriter.

Sa video na ipinost niya the morning after ng concert, makikitang puro senyas na lang ang ginawa ng singer dahil nga wala na siyang boses.

Caption niya, “gumising ako ng puno ng pagmamahal sa inyo at sa Diyos.”

Sulat pa niya, “Pambihira. Naririnig ko pa rin ang mga boses nyo.”

She also wrote, “Paos ako hahaha! Tinodo ko na para sa dalawang gabing kasama ko kayo.”

Kasunod nito ay nagbukas siya ng gifts ng fans sa kanya at iyak siya nang iyak sa sobrang happiness at pagka-touch.

Sa mahabang caption ay walang patid ang pasasalamat ni Yeng sa lahat ng fans na nanood ng concert.

“Apat na oras lang ang tulog ko dahil ang puso at isip ko ay nasa Araneta Coliseum pa rin, kasama kayo! 

“Grabe, nababasa ko ang mga messages, comments, at posts ninyo. Parang sasabog ang puso ko sa ligaya!” saad ng singer.

“Thank you for singing along! Thank you for laughing and crying with me. Thank you for joining our trip down memory lane!

“Kung kailan man o saang parte ng kwento ng buhay ninyo naging theme song ang musika ko — maraming, maraming salamat! Ito talaga ang pangarap ko. At kayo ang tumupad nito.

Ika nga sa kanta ko, “AT KUNG MAUBOS ANG TINIG, ‘DI MAGSISISI, DAHIL IYONG NARINIG MULA SA LABI KONG, SALAMAT... SALAMAAAAAT!” pahayag niya.

Pangako ni Yeng sa kanyang fans, “I will never stop making music. I will never take for granted the platform you gave me. It is an honor to sing and write for you!”

OGIE ALCASID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with