Drama actor, mas pinili ang relasyon sa non-showbiz gf kesa sa career
Live-in na pala ang isang drama actor at ang non-showbiz girlfriend niya, na kumpirma ng dati niyang PA.
Dahil daw sa sobrang selosang girlfriend, tumanggi na sa mga trabaho si drama actor.
May ka-loveteam pa naman si drama actor, pero dahil sa situwasyon niya, solo flight na ngayon ang ka-loveteam niya.
Sayang nga raw kasi pasikat pa sana siya, kaso nagdesisyon nang palpak kaya maraming malaking project ang nasayang.
Matagal na raw sila at may blessing na ng pamilya ni actor ang pagsasama nila, lalo’t nakapagpatayo na siya ng negosyo para sa kanila.
Hindi pa raw buntis ang girlfriend, ipon muna bago baby.
May raket pa si actor pero hindi na pang-showbiz, kaya huwag nang asahang babalik siya sa teleserye. Choice niya na raw ang pag-ibig over career.
Jao, na-manifest ang international exhibit
Kasabay ng kanyang pagbabalik sa showbiz ngayong taon, ibinahagi ni dating 90s matinee idol Jao Mapa na hindi kailanman kumupas ang kanyang sigasig bilang isang artist.
Kahit noong kasikatan niya, nanatili ang kanyang dedikasyon sa sining.
Bagama’t matagal siyang nanahimik bilang pintor, mas bukas na raw siya ngayon upang ipakilala at itaguyod ang kanyang mga likha.
“First of all, I graduated in Fine Arts, major in Advertising but I couldn’t see myself in a four-wall office. That’s why I got into painting, so I’m my own boss. I’ve been painting ever since but never really made it into a business.
“Come pandemic, I started selling it online and it started to fly and I got into groups, got offers, and slowly still making my bones but I know that I’m here to stay and I’m introducing a new talent sa ating mga kapamilya,” sey ng aktor.
This year, excited si Jao dahil maipapakita na niya ang kanyang mga art for the first time internationally.
“This is my first international exhibit. The theme is Filipino so I’m trying to think of my past Filipino works that I’m redoing right now, and that’s what I’m going to bring.
“Mga acryllic on paper siya, hopefully. It’s a group exhibit so we’ll have other Filipino artists over.
“I’m doing this group exhibit in Brunei. I met a client who bought my paintings and she likes my work and we became friends.
“She’s also a FIlipina. She’s based in Brunei right now and she talked to the consul in Brunei and we’re working on an exhibit there come November.”
Alex, tuloy ang pag-arangkada
Patuloy na gumagawa ng ingay sa international scene si Tennis star Alex Eala matapos mapabilang sa digital cover ng isang kilalang publication.
Tampok ang Pinay tennis pro sa worldwide sports magazine na SportsIllustrated, kung saan tinawag siyang “The Pride of the Philippines and Tennis’s Next Great Superstar.”
Bukod dito, ang 21-year old athlete ay nakatakdang makaharap si Janice Tjen ng Indonesia sa isang special exhibition match sa Philippine Arena sa Bulacan ngayong December.
Pangungunahan din niya ang “Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate,” isang homecoming event sa December 8.
Nasa New York City ngayon si Alex para sa US Open. Kamakailan ay naabot niya ang panibagong milestone matapos umangat sa World No. 18, dahilan para maging pinakamataas ang ranking na Southeast Asian tennis player.
- Latest
























