NPA top lider dedo sa engkuwentro
MANILA, Philippines — Napatay ng tropa ng pamahalaan ang isa sa pinakamataas na lider ng New People’s Army (NPA) sa isang engkuwentro sa liblib na lugar ng Brgy. Magogon, Camalig, Albay noong Linggo ng gabi.
Sa ulat ng 9th Infantry “Spear” Division, Philippine Army kinilala ang pagkasawi ni Gerardo Arcos Abache, ng Legazpi City na may mga alyas na “Ka Josam,” “Jerry” “Maeng,” at “Floyd,” na tumatayong Regional Special Operation Group officer ng NPA-Bicol Regional Party Committee.
Si Abache na mahigit 30-taon na sa kilusan ay may kinakaharap na 13-kaso ng murder, multiple murder, at frustrated murder.
Ang kanyang grupo ang nasa likod ng pagpatay sa dalawang sundalo na bahagi ng mga rescuers na namamalengke sa Brgy. Cotmon, Camalig noong Pebrero, 2023 Mayon eruption.
Ayon sa ulat, pasado alas-9:00 ng gabi nang maka-enkwentro ang mga sundalo mula sa 31st Infantry Battalion, Philippine Army at mga pulis ng Albay ang limang kataong armadong grupo na kung saan ay napatay si Abache at iniwan ng mga kasama.
- Latest















