Lahar umagos na sa Bulkang Taal at Pinatubo

MANILA, Philippines — Dulot ng patuloy na pag-ulan sanhi ng epekto ng Habagat, nagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng pagdaloy ng lahar sa dalisdis ng Bulkang Taal sa Batangas at Bulkang Pinatubo sa Zambales at sa.
Sa pinalabas na lahar advisory ng Phivolcs sa dalawang bulkan, nagbabala ang ahensiya na ang ulan ay maaaring makalikha ng lahar, muddy streamflows o muddy run-off sa mga ilog at drainage areas ng Pinatubo at Taal volcanoes.
“ Lahar in Pinatubo are “likely to be channel-confined and occur on the upper to middle reaches of the Sto. Tomas-Marella and Bucao River systems.” ayon sa Phivolcs.
Apektado nito ang mga komunidad ng San Marcelino, San Narciso, San Felipe at Botolan, Zambales Province.
Ang mahaba at matinding pag-ulan ay maaaring mag-generate ng muddy streamflow at muddy runoff sa paligid ng Taal Volcano, lalo na sa kanlurang slopes ng Taal Lake.
May pagdaloy naman ng putik na makakaapekto sa komunidad ng Agoncillo at Laurel sa lalawigan ng Batangas.
Naanawagan ang Phivolcs sa mga komunidad at local government units na patuloy na magmonitor at nagsagawa ng preemptive response measures.
Alas-11 ng umaga kahapon, nagpalabas ang Pagasa ng red rainfall warning sa Metro Manila, Zambales, Bataan, western Tarlac, Pampanga, Bulacan, western Rizal, northern at western Cavite, western Cavite, at northern Occidental Mindoro dahil sa patuloy na ulan.
Ang nalalahing lugar sa Tarlac, Rizal, Laguna, Cavite, central at southern Batangas at central Occidental Mindoro ay isinailalim sa orange rainfall warning.
- Latest



















