^

Bansa

PANOORIN: Marcos, nanawagang ipagtanggol ang soberanya ngayong National Heroes Day

Geraldine Santos - Philstar.com

MANILA, Philippines — Binigyang-pugay ni Pangulong Bongbong Marcos ang "maraming mukha ng kabayanihan" sa kasalukuyan, kabilang ang Philippine Coast Guard, Armed Forces of the Philippines, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ngayong National Heroes Day.

Sa kanyang talumpati ngayong Lunes, Aug. 31, binanggit ni Marcos ang 2016 Arbitral Award, na isang dekada na ngayong taon, at iginiit ang tungkuling ipaglaban ang mga karapatan "sa paraang mapayapa, naaayon sa batas, at naaayon sa ating mga prinsipyo."

Binigyang-diin ng pangulo na ang pagdepensa sa teritoryo ay isang responsibilidad na bitbit ng buong bansa.

"It calls on each of us to understand our history, to know our rights, and to take part in protecting the national interests," ani Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig.

Kabilang na rito ang pagtuturo sa kabataan tungkol sa maritime rights, paglaban sa disinformation, pagsuporta sa mga mangingisda, at pangangalaga sa integridad ng mga institusyon ng bansa, ayon sa pangulo.

"Ang Pilipinas ay karapat-dapat na ipaglaban. Ang bawat Pilipino ay karapat-dapat na paglingkuran. Ang ating soberanya ay karapat-dapat na ipagtanggol," dagdag ni Marcos.
 

BONGBONG MARCOS

FERDINAND MARCOS JR

HEROES

HOLIDAY

NATIONAL HEROES DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with