^

Police Metro

‘Robin Padilla Law’ pinababasura ni Jonvic

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Ipawalang-bisa ang Republic Act No. 8294 o  tinaguriang “Robin Padilla Law” at muling gawing non-bailable ang illegal possession of firearms”.

Ito ang naging apela  ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa Kongreso dahil  nakadagdag  umano sa pagtaas ng krimen ang pagiging bailable ng possession of loose firearms kaya nais niyang  maibalik  ito sa non-bailable offense.

Batay sa kasalukuyang batas, maaaring makapagpiyansa ang sinumang magmamay-ari ng loose firearm na posibleng magamit sa iba’t ibang krimen.

Ito ang paliwanag ni Remulla, kasunod nang pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University-Junior High School ng isang Grade 9 student at napatay ang isang Grade 10 student at kalaunay nagbaril ito sa sarili.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ginamit ng suspek ang .40 at 9mm pistols na pag-aari ng kanyang ama, isang Bureau of Customs employee.

Binigyang-diin din ni Remulla ang pangangailangang papanagutin ang mga gun owner na hindi maayos na nag-iingat ng kanilang mga baril.

Aniya, dapat may pananagutan ang may-ari kapag napunta sa kamay ng iba ang baril dahil sa kapabayaan.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente habang isasailalim sa digital forensic investigation ang gadgets nito upang matukoy ang posibleng motibo sa krimen.

ROBIN PADILLA LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with