^

Police Metro

Buga ng asupre sa Bulkang Mayon, umakyat muli sa mataas na antas

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling umakyat sa mataas na antas ang pagbuga ng volcanic sulfur dioxide o asupre na umabot sa 8,393 tonelada kada araw ang Bulkang Mayon.

Ito na ang pinakamataas na antas ng gas na naiparamdam ng bulkan simula noong Hulyo 16, kasunod ng biglaang pag-umbok ng hilaga at silangang bahagi ng bulkan.

Kaya’t nagbabala ang DOST-PHIVOLCS na ang pagtaas ng emisyon ay maaaring pahiwatig ng muling pag-init ng aktibidad na pwedeng magdulot ng pyroclastic density currents (PDC), rockfall, at pag-ulan ng abo.

Muling ipinaalala ng ahensya sa publiko na nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) na may posibilidad na muling ibalik sa Alert Level 3 dahil sa panibagong aktibidad.

Ayon kay Doreen Abelinde, officer-in-charge ng Phivolcs-Ligñon Hill Observatory Station sa Legazpi City, ang 8,393 tons per day na ibinugang asupre ay ­siyang pinakamataas si­mula nang ibaba ang alerto ng bulkan noong Agosto 5.

BULKANG MAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with